Pulong Ng New People’s Army

Pulong Ng New People’s Army


Ang mga opisyal at miyembro ng NPA (New People’s Army) ay nagpupulong isang gabi sa isang bundok. Tatlong miyembro ang napagkainitan ng kanilang pinunong si Ka Roger.

Ka Roger: Totoy, sino si Karl Marx? Kilala mo?

Totoy: Hindi po.

Ka Roger: Ayan, iyan ang napapala mo sa hindi madalas na pagdalo sa meeting. Dapat mong malaman na si Karl Marx ay ang ama ng Komunismo. Kanor ikaw, kilala mo si Lenin?

Kanor: Naku, hindi po.

Ka Roger: Ayan, iyan ang napapala mo sa di madalas na pagdalo ng pulong. Si Lenin ay ang Rusong nagpatanyag ng Komunismo. 0, ikaw Bentong, kilala mo si Felino Cebini?

Bentong: Hindi po sir. Pero sir, ikaw kilala mo ba si Roberto Ampupot?

Ka Roger: Roberto Ampupot? Sinong? Ano bang pinagsasabi mo? Wala naman akong alam na ganyang pangalan ah!

Bentong: Ayan, iyan ang napapala mo sa palagiang pagdalo sa meeting. Si Roberto Ampupot ay ang kasiping ng asawa mo gabi-gabi tuwing ikaw ay nasa meeting!

Submitted by Tatay Digong - Davao City




Do you have a joke? share it with us! Click on the button bellow to send us your joke.





Rate this Joke:


Topic of Interest:    hindi kilala jokes
 

Leave a Comment