LOADING...
 
Maala Ala Mo Kaya

Maala Ala Mo Kaya



Dear Ate Charo,
Nais kong ikwento sa inyo ang namagitan sa amin ng aking itay isang gabi. Hindi ko kayang makalimutan kahit anong bahagi ng gabing iyon.
Malakas ang ulan noon. Katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa lamang sa loob ng aking kuwarto.
Narinig ko si Itay na kumakatok sa aking pinto. Nang sagutin ko ang pinto ay sinabi niya na kailangan daw naming magusap. Pinapasok ko naman po siya dahil ama ko po siya.
Nagulat na lamang ako nang isarado at ikinandado ang pinto. Hinawakan ni Itay ang braso ko. Napasigaw ako, sabi ko “ITAY huwag, anak mo ako!”.
Ngunit hindi tumigil ang aking Itay. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Pumikit na lamang ako dahil sa ayaw kong makita ang mukha ng aking tatay sa kanyang ginagawa.
Naririnig ko si Inay na binubulabog ang pinto. Sumisigaw na, “Hayop ka wag mong gawin yan sa anak mo.” Ngunit wala pa rin. Ipinaubaya ko na lamang ang sarili ko sa Diyos.
Pagkalagpas ng ilang oras ay natapos din ang aking Itay. Nang humarap ako sa salamin ay nagulat ako sa aking nakita. Magaling naman pala mag-make-up si Itay.
Noong gabi na iyon ay nagladlad ng kapa si Itay. Bakla pala siya. Natuwa ako at mahusay ang kanyang ginawa. Naisip ko na matutuwa ang aking boyfriend dahil sa ganda ko. Nagyakapan kami doon at nagiyakan.
Masaya na kami ngayon at walang problema.
Yours truly,
Berto



Do you have a joke? share it with us! Click on the button bellow to send us your joke.





Rate this Joke:


Topic of Interest:    loro tagalog joke,   bakit ang 1minus1 ang sagot ay 2?,   management Ala Pinoy,   pinoy joke ama nagladlad ng malaman bading ang anak,   quit jokes in tagalog
 

Leave a Comment