ang gamit ay roller skates
sobrang mahal na mahal ni juan ang kanyang ng asawa kaya ng malaman niya na tatlong araw ng patay ang kanyang asawa ay agad siyang umuwi galing saudi…
sa sobrang pagmamahal nya sa asawa nya ay napasigaw ito ng makita nya ang bangkay nito…Elena!!! ay nuon din ay inatake sya sa puso at namatay.
sa langit na ang sumunod na eksena sa patay ng si juan, ikaapat sya sa pila sa harap ni san pedro…
“naging matapat ka bang asawa jose”,… ang tanong ni san pedro sa nasa una sa pila,
“opo”, ang sagot naman nito…
“sinungaling”, sigaw ni san pedro at ipinakita sa video na tatlo ang kabit ni jose…shoot sa impyerno si jose.
“carlo matapat ka bang asawa” tanong ni san pedro sa ikalawa…”opo”, tugon nito…pero sa video na ipinakita ni san pedro at may kabit itong dalawa pero nagbago bago namatay…
“mga anghel, isakay si carlo sa KALESA at ideretso na sa langit”, utos ni san pedro.
“naging tapat ka ba david sa asawa mo”, tanong ni san pedro sa nasa ikatlo sa pila …”hindi po”. sagot ni david, “pero hindi ko naman po sinasadya na hindi maging tapat, inakit lamang po ako ni kumare”…at yun nga ang nakita sa video.
“mga anghel, isakay si david sa JEEP at ilibot sa kalahati ng nasasakupan natin bago idiretso sa langit”, at yun nga ang naganap.
eto na ng*yon si juan, tumutulo pa ang luha sa pagdadalamhati sa namatay na asawang si Elena…”naging tapat ka bang asawa juan”, tanong ni san pedro…at tumango lamang si juan.
nakita sa video ang katapatan ni juan at ang sobrang pagmamahal nito sa kanyang asawa.
“lahat kayong mga anghel ay magbunyi, nasa harap nyo ang isa sa mga tunay na anak ng Diyos…isakay sa sa paborito kong MERCEDEZ BENZ si juan”, utos ni san pedro, at “ilibot sa lahat ng panig ng kaharian ng diyos”, at ganun nga ang nangyari…
subalit sa kanilang pamamasyal sa kaharian ng Diyos, ang tuwa ni juan ay napalitan ng pagluha sapagkat nakita nya si Elena, nakatungo habang binabaybay ang daan papunta sa langit….
pero ang gamit-gamit ay ……ROLLER SKATES
by Pudoy the Great
sto. tomas, batangas
Do you have a joke? share it with us! Click on the button bellow to send us your joke.
Leave a Comment