Riddles in Tagalog is referred to as Bugtong. Ito ay isang palaisipan o talinghaga na may nakatagong kahulugan. Ang bugtong ay Isang pangungusap na patanong nahumi*ingi ng kasagutan. Ang mga bugtong ay kadalasang patungkol sa pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino.
Mga listahan ng bugtong at sagot:
- May balbas, walang mukha, May buhok na kulay ginto, Hindi tao, hindi hayop ngunit kulot ang buhok – sagot: mais (corn)
- Nang hatakin ko ang baging, nagkagulo ang mga matsing. – sagot: kampana
- Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. – sagot: palaka
- Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. – sagot: gumamela
- Isang prinsesa, punong-puno ng mata. – sagot: pinya
- May puno walang bunga, may dahon walang sanga. – sagot: sandok
- Maikling landasin, di maubos lakarin. – sagot: ANINO (SHADOW)
- Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. – sagot: ANINO (SHADOW)
- Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo. – sagot: sinturon (belt)
- Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala. – sagot: sapatos (s***s)
- Isang balong malalim, punong-puno ng patalim. sagot: bibig (mouth)
- Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore. – sagot: langgam (ant)
- Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako ay mamatay. – sagot: kandila (candle)
- Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa. – sagot: balimbing
- Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. – sagot: kandila
- Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako. – sagot: langka
- Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. – sagot: ampalaya
- Baboy ko sa parang, namumula sa tapang – sagot: sili (chili)
- Noong munti ay Americano, noong lumaki ay Negro – sagot: duhat
- Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. – sagot: paruparo
- Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay. – sagot: ilaw
- Hugis puso, kulay ginto, Mabango kung amuyin, masarap kung kanin – sagot: mangga
- May bintana nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang hagdanan. – sagot: kumpisalan
- Puno ay buku-buko, dahon ay abaniko, ang bunga ay parasko, perdigones ang buto. – sagot: papaya
- Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon. – sagot: banig
- Tubig na nagiging bato, Batong nagiging tubig – sagot: asin (salt)
- Dalawa kong kahon, buksan walang ugong. – sagot: iyong mata
- Ang ina’y gumagapang pa, ang anak ay umuupo na. – sagot: Kalabasa (Squash)
- Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. – sagot: gamu-gamo
- Isa ang pasukan, tatlo ang labasan. – sagot: kamiseta
Alam ko pong hindi joke itong mga bugtong na ito pero nakaka alim basahin. Sana po magustuhan ninyo.
Filipino riddles or bugtong by Jobert – Lipa, Batangas
Do you have a joke? share it with us! Click on the button bellow to send us your joke.
ayana si kaka bubuka bukaka sagot; gunting. maliit na parang sibat sandata ng mga pantas sagot:bolpen.hinila ko ang tadyang, lumapad ang tiyan sagot:payong.isa ang pasukan,tatlo ang labasansagot;damit kay lapit – lapit na sa mata,di mo pa rin makita sagot;tenga Sinakal ko muna, bago ko nilagari sagot;Biyulin
1.Gawa ito sa kinayas na kawayan, lalagyan ng santol mangga at pakwan.
sagot: tiklis
2.Dalawang patpat, sabay lumapat.
sagot;Gunting
4.Butasi,butasi, butasi din ang tinagpi.
sagot;Lambat
5.Alipin ng hari, hindi makalakad kung hindi itali.
sagot:sapatos
ang ganda…napapagana tuloy ang utak ko^-^ hahahahahaha…i will share that to my friend….