Hula Sa Ultra Lotto 6/58

Hula Sa Ultra Lotto 6/58


Nagpa hula isang hapon si Boknoy kay Madam Auring, isang tanyag at sikat na manghuhula sa Quiapo sa Maynila.

Boknoy: Balitang-balita na mahusay raw kayong manghula kaya ho ako lumapit sa inyo.

Madam Auring: Bagama’t ng*yon lamang tayo nagkita ikaw ay si Boknoy na isang magasaka.

Boknoy: (nagtaka) Bakit n’yo alam?

Madam Auring: Tingnan ko ang iyong palad.

Pagkatapos na tingnan ang palad …

Madam Auring: Wala kang hilig sa pag-aaral. Paglumampas ka na sa edad na 35 ay hindi ka na makapag-aasawa at tatanda kang binata. Hindi magtatagal at ikaw ay yayaman at ang kayamanan mo ay mapapanalunan mong milyon milyon sa ultra lotto 6/58.

Boknoy: Maari po ba akong magtanong?

Madam Auring: Maari. Ano ang tanong mo iho?

Boknoy: Madame Auring, hulaan nga n’yo kung anong numero sa ultra lotto ang mananalo ng milyon milyon at bibilhin ko na?

Madam Auring: Kung alam ko nga lang ba, e, di hindi mo na ako makikita ritong naghahanapbuhay na mang hula! di kaba g**o at tanga.

Submitted by Bryan Manalastas ng Makati




Do you have a joke? share it with us! Click on the button bellow to send us your joke.





Rate this Joke:


Topic of Interest:    ultra lotto6/58 picks,   pinoy lotto joke
 

Leave a Comment