Ang Madaldal Na Parrot

Ang Madaldal Na Parrot


Tumawag ng tubero si Mrs. Mendez.

“Magandang hapon po, Mang Kadyo. Pakiayos naman bukas yun lababo ko.”

“Sige ho.”sagot ng tubero.

“Pero wala ako bukas sa bahay, iiwan ko nalang ang susi sa kapitbahay, meron din akong alagang mabangis na rottweiller guard dog ko siya nasa loob ng bahay, pangalan niya ay “Bruno”, pero kapag nakita kang kasama ng kapitbahay ko walang problema. Pagkatapos mong gawin ang lababo kunin mo nalang ang bayad sa kapitbahay at pinaabonohan ko muna. Tsaka meron din pala akong madaldal na Parrot, kahit anong sabihin niya wag niyo nalang pansinin, at wag na wag niyong kausapin.” mahabang instructions ni Mrs. Mendez sa tubero.

Kinabukasan, pumunta ang tubero at nagawa ang mga bilin ni Mrs. Mendez at malapit ng matapos ang lababo. Ilang oras din siyang nagtimpi sa panunukso ng Parrot.

“Panget! Panget! Mamang Panget!”

“Supot! Supot! Mamang supot!”

Sa huling itinukso ng Parrot ay hindi nakapag timpi si Mang Kadyo at binalingan ang Parrot.

“Tangna kang Parrot ka. Gusto mong iprito kita.”

Natahimik ang Parrot at napayuko.

“Ano ha? Wala kang masabi? Gusto mo katayin kita.” Ulit na banta ni Mang Kadyo.

Mula sa pagkakayuko ay tumunghay ang Parrot at bigay lakas na nagsalita.

“Bruno! Kill! Kill! Bruno!”

PATAY SI MANG KADYO… NILAPA NG ASO

Created by Pulandit








Do you have a joke? share it with us! Click on the button bellow to send us your joke.






Rate this Joke:
Ang Madaldal Na Parrot
4 (80.34%) ratings from 118 users


Topic of Interest:
 

Leave a Comment