Mga Nagbabagang Balita



Para sa mga nagbabagang balita … ngayon ay nasusunog na!!
Dalawang kalbo , nag-sabunutan …..
Capt.Hook dumaan sa Quiapo, pinirata …..
Pala-isdaan , nasunog …..
Tahanang Walang Hagdan , inakyat …..
Bakla sumali sa away , napasubo …..
Bagong tuli nagyabang , lumaki ang ulo …..
Unanong madre , nagpakamalang penguin ……
Bulag nakapatay , nagdilim daw ang paningin …..
Iceman nanood ng porno , nag-init …..
Tindera ng suka , tinoyo …..
Teacher nagkamali , tinuruan ng leksyon …..
Eroplano nag-crash , lahat ng pasahero namatay sabi ng mga survivor …..
Basurero nag-sampa ng kaso , binasura …..
Dahil may reklamo , eskwelahan ng mga bingi nag noise barrage …..
Tubero , nagkatulo …..
Lalaki natagpuang pugot ang ulo , inalam pa kung buhay …..
Barbero tumestigo sa krimen , ayaw paniwalaan …..
Misis ng photographer , nakunan …..
Tindera ng tubig , namatay sa uhaw …..
Kaso ng pilay , nilakad ….




Rate this Joke:
4.71 avg. rating (90% score) - 7 votes



Leave your comment bellow