Ang Pinakamagulong Pamilya



Nagkita sina Jayson at Justin sa isang bus stop at nag-usap sila. Panay-panay ang kwento ni Justin ng mga problema sa kanyang pamilya.

Hanggang si Jayson ang nagsalita: “Pare, sa tingin mo, nakakaloko ang mga problema mo sa pamilya mo? Tingnan mo naman ang sitwasyon ko:”
“Ilang taon na ang nakararaan, nakilala ko ang isang biyuda na may isang dalagang anak. Nagpakasal kami, kaya nagkaroon ako ng isang stepdaughter. Hindi nagtagal, pinakasalan ng tatay ko ang stepdaughter ko.”
“Kaya ang nangyari, ang stepdaughter ko ay stepmother ko rin, at ang tatay ko ay stepson ko rin. Ang misis ko ay naging mother-in-law ng kanyang father-in-law. Biyenang babae ng kanyang biyenang lalaki, ika nga.”
“Ang anak na babae ng aking asawa, ang aking stepmother, ay nagkaroon ng anak na lalaki. Ang sanggol na ito ay half-brother ko dahil anak siya ng aking ama. Pero dahil anak siya ng anak ng aking asawa, apo siya ng aking asawa. Kaya lolo ako ng aking kapatid sa ama.”
“Okey pa sana ito, hanggang nagkaroon kami ng asawa ko ng isang anak na lalaki. Ang half-sister ng aking anak, ang aking stepmother, ay lola rin niya. Kaya ang tatay ko ay brother-in-law ng aking anak, na ang stepsister ay asawa ng aking anak.”

“Kung gayon, ako ay brother-in-law ng aking stepmother. Ang asawa ko ay tiyahin ng sarili niyang anak. Ang anak ko ay pamangkin ng aking ama, at ang sarili ko ay lolo ko!!!!!

O, hindi ka ba nahilo?




Rate this Joke:
0.00 avg. rating (0% score) - 0 votes



Leave your comment bellow